Nehemias 3

Ang sumunod naman ay si Palal na anak ni Uzai. Itinayo niya ang bahagi ng pader mula sa sulok ng pader at ng nakausling tore sa palasyo, malapit sa pinagpupwestuhan ng mga guwardiya. Ang sumunod sa kanya ay si Pedaia na anak ni Paros,

Nehemiah 3:25 (UKJV) Palal the son of Uzai, opposite to the turning of the wall, and the tower which lies out from the king's high house, that was by the court of the prison. After him Pedaiah the son of Parosh.

23Ang sumunod sa kanila ay sina Benjamin at Hasub. Itinayo nila ang bahagi ng pader na nakaharap sa bahay nila. Ang sumunod sa kanila ay si Azarias na anak ni Maaseias at apo ni Ananias. Itinayo niya ang bahagi ng pader sa bandang gilid ng bahay niya.

24Ang sumunod ay si Binui na anak ni Henadad. Itinayo niya ang bahagi ng pader mula sa bahay ni Azarias hanggang sa sulok ng pader. Isa pang bahagi ng pader na ito ang kanyang ipinatayo.

25Ang sumunod naman ay si Palal na anak ni Uzai. Itinayo niya ang bahagi ng pader mula sa sulok ng pader at ng nakausling tore sa palasyo, malapit sa pinagpupwestuhan ng mga guwardiya. Ang sumunod sa kanya ay si Pedaia na anak ni Paros,

26at ang mga tagapaglingkod sa Templo na nakatira sa may bulubundukin ng Ofel. Itinayo nila ang bahagi ng pader pasilangan, hanggang sa Pintuan ng Tubig at sa nakausling tore.

27Ang sumunod sa kanila ay ang mga taga-Tekoa. Itinayo nila ang bahagi ng pader mula sa malalaking toreng nakausli hanggang sa pader ng Ofel. Pangalawang bahagi na ito ng pader na kanilang itinayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.