63Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.)
64Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng kanilang mga ninuno, hindi sila tinanggap bilang mga pari.
65Sinabihan sila ng gobernador na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing inihandog sa Diyos hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng Urim at Tumim.
66Ang kabuuang bilang ng mga lalaki mula sa pagkabihag ay 42,360,
67hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7,337 at mga mang-aawit na lalaki at babae na 245.