Nehemias 8

nagtipon ang lahat ng tao nang may pagkakaisa doon sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig. Hiniling nila kay Ezra na tagapagturo ng kautusan na kunin niya ang Aklat ng Kautusan ni Moises na iniutos ng Panginoon sa mga Israelita.

Nehemiah 8:1 (UKJV) And all the people gathered themselves together as one man into the street that was before the water gate; and they spoke unto Ezra the scribe to bring the book of the law of Moses, which the LORD had commanded to Israel.

1nagtipon ang lahat ng tao nang may pagkakaisa doon sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig. Hiniling nila kay Ezra na tagapagturo ng kautusan na kunin niya ang Aklat ng Kautusan ni Moises na iniutos ng Panginoon sa mga Israelita.

2Kaya nang unang araw ng ikapitong buwan, dinala ni Ezra, na pari, ang Kautusan sa harap ng mga tao na mga lalaki, babae, at mga batang nakakaunawa na.

3Binasa niya ito sa kanila nang malakas mula sa pagsikat ng araw hanggang tanghali, doon sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig. At pinakinggang mabuti ng lahat ang Aklat ng Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.