17Ipinatawag ni Moises at Aaron ang lahat ng lalaking napili,
18at sa araw ding iyon, tinipon nila ang buong sambayanan ng mga Israelita. Pagkatapos, ipinatala ng mga tao ang kanilang mga ninuno ayon sa lahi at pamilya, gayundin ang mga lalaking may edad na dalawampung taóng gulang pataas.
19Inilista sila ni Moises doon sa disyerto ng Sinai, ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
20Mula sa mga apo ni Ruben, ang panganay na lalaki ni Israel: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
21Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Ruben ay 46,500.