Mga Bilang 1

at sa araw ding iyon, tinipon nila ang buong sambayanan ng mga Israelita. Pagkatapos, ipinatala ng mga tao ang kanilang mga ninuno ayon sa lahi at pamilya, gayundin ang mga lalaking may edad na dalawampung taóng gulang pataas.

Numbers 1:18 (UKJV) And they assembled all the congregation together on the first day of the second month, and they declared their lineages after their families, by the house of their fathers, according to the number of the names, from twenty years old and upward, by their polls.

16“Sila ang mga pinuno ng mga lahing pinili mula sa mga mamamayan ng Israel.”

17Ipinatawag ni Moises at Aaron ang lahat ng lalaking napili,

18at sa araw ding iyon, tinipon nila ang buong sambayanan ng mga Israelita. Pagkatapos, ipinatala ng mga tao ang kanilang mga ninuno ayon sa lahi at pamilya, gayundin ang mga lalaking may edad na dalawampung taóng gulang pataas.

19Inilista sila ni Moises doon sa disyerto ng Sinai, ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.

20Mula sa mga apo ni Ruben, ang panganay na lalaki ni Israel: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.