20Mula sa mga apo ni Ruben, ang panganay na lalaki ni Israel: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
21Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Ruben ay 46,500.
22Mula sa mga apo ni Simeon: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
23Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Simeon ay 59,300.
24Mula sa mga apo ni Gad: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.