2“Isensus ninyo ang lahat ng mga mamamayan ng Israel ayon sa kanilang lahi at pamilya. Ilista ninyo ang pangalan ng lahat ng lalaki.
3Kayong dalawa ni Aaron ang mamamahala sa pagbibilang mula sa mga pangkat, at sa paglilista ng mga lalaking dalawampung taóng gulang pataas na may kakayahang maging mga sundalo.
4Tutulong sa inyo ang pinuno ng bawat lahi.
5“Ito ang pangalan ng mga taong tutulong sa inyo: “mula sa lahi ni Ruben, si Elizur na anak ni Sedeur
6mula sa lahi ni Simeon, si Selumiel na anak ni Zurishadai