42Mula sa mga apo ni Neftali: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
43Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Neftali ay 53,400.
44Sila ang mga lalaking nabilang nina Moises at Aaron at ng labindalawang pinuno ng Israel. Ang bawat isa sa kanila ay kumakatawan sa kani-kanilang pamilya.
45Lahat sila ay dalawampung taóng gulang pataas at may kakayahang maging sundalo ng Israel.
46Ang kabuuang bilang nila ay 603,550 lahat.