Mga Bilang 1

Sa halip ay ibigay ninyo sa mga Levita ang tungkulin na pamahalaan ang Toldang kinalalagyan ng aking mga utos at ng lahat ng kagamitan nito. Sila ang magdadala ng Tolda at ng lahat ng kagamitan nito, at kailangang pangalagaan nila ito at magkampo sa paligid nito.

Numbers 1:50 (UKJV) But you shall appoint the Levites over the tabernacle of testimony, and over all the vessels thereof, and over all things that belong to it: they shall bear the tabernacle, and all the vessels thereof; and they shall minister unto it, and shall camp round about the tabernacle.

48Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises,

49“Huwag ninyong isama ang lahi ni Levi sa sensus kasama ng ibang mga Israelitang magsisilbi sa panahon ng labanan.

50Sa halip ay ibigay ninyo sa mga Levita ang tungkulin na pamahalaan ang Toldang kinalalagyan ng aking mga utos at ng lahat ng kagamitan nito. Sila ang magdadala ng Tolda at ng lahat ng kagamitan nito, at kailangang pangalagaan nila ito at magkampo sa paligid nito.

51Kapag ililipat na ang Tolda, sila ang magliligpit nito. At kung itatayo naman, sila rin ang magtatayo nito. Ang sinumang gagawa ng ganitong gawain sa Tolda na hindi Levita ay papatayin.

52Magkakampo ang mga Israelita ayon sa bawat lahi nila, at may bandila ang bawat lahi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.