Mga Bilang 10

Kapag pinatunog na nang sabay ang dalawang trumpeta, magtitipon ang lahat ng mga mamamayan sa pintuan ng Toldang Tipanan.

Numbers 10:3 (UKJV) And when they shall blow with them, all the assembly shall assemble themselves to you at the door of the tabernacle of the congregation.

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2“Magpagawa ka ng dalawang trumpetang pilak, at gamitin mo ito para tipunin ang mga tao at ihanda sila sa paglalakbay.

3Kapag pinatunog na nang sabay ang dalawang trumpeta, magtitipon ang lahat ng mga mamamayan sa pintuan ng Toldang Tipanan.

4Kapag isa lang ang pinatunog, ang mga pinuno lang ng bawat lahi ng Israel ang magtitipon sa iyong harapan.

5Kapag pinatunog ang trumpeta para ihanda ang mga tao sa paglalakbay, ang mga lahi sa silangang bahagi ng Tolda ang mauunang lumakad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.