10Narinig ni Moises ang reklamo ng bawat pamilya sa pintuan ng kanilang mga tolda. Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa kanila, at dahil ditoʼy nabahala si Moises.
11Nagtanong siya sa Panginoon, “Bakit nʼyo po ako binigyan na inyong lingkod ng malaking problema? Ano po ba ang ginawa ko na hindi kayo natuwa kaya ibinigay ninyo sa akin ang problema ng mga taong ito?
12Ako ba ang nagbuntis sa kanila? Ako ba ang nagsilang sa kanila para sabihin ninyong kargahin ko sila katulad ng pagkarga ng isang yaya sa alaga niyang bata, at dalhin sila sa lupaing ipinangako ninyo sa kanilang mga ninuno?
13Saan po ba ako kukuha ng karne para sa mga taong ito? Dahil patuloy ang pagrereklamo nila sa akin na bigyan ko sila ng karneng makakain nila.
14Hindi ko po sila kayang alagaang lahat nang mag-isa. Napakahirap nito para sa akin.