Mga Bilang 11

Ngunit sumagot si Moises sa Panginoon, “Ang lahat ng taong kasama ko ay nasa 600,000, at ngayoʼy sinasabi po ninyo na bibigyan ninyo sila ng karne na kanilang kakainin sa loob ng isang buwan?

Numbers 11:21 (UKJV) And Moses said, The people, among whom I am, are six hundred thousand footmen; and you have said, I will give them flesh, that they may eat a whole month.

19Hindi lang isang araw, o dalawa, o lima, o sampu, o dalawampung araw ang pagkain ninyo nito,

20kundi isang buwan, hanggang sa magsawa kayo at hindi na kayo makakain nito. Dahil itinakwil ninyo ang Panginoon na sumasama sa inyo, at nagreklamo kayo sa kanya na sinasabi, ‘Sanaʼy hindi na lang kami umalis sa Ehipto.’ ”

21Ngunit sumagot si Moises sa Panginoon, “Ang lahat ng taong kasama ko ay nasa 600,000, at ngayoʼy sinasabi po ninyo na bibigyan ninyo sila ng karne na kanilang kakainin sa loob ng isang buwan?

22Kahit po katayin pa namin ang lahat ng tupa at baka o kahit hulihin pa namin ang mga isda sa dagat, hindi po ito magkakasya sa kanila.”

23Sinabi ng Panginoon kay Moises, “May hangganan ba ang aking kapangyarihan? Makikita mo ngayon kung mangyayari ang sinabi ko o hindi.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.