20kundi isang buwan, hanggang sa magsawa kayo at hindi na kayo makakain nito. Dahil itinakwil ninyo ang Panginoon na sumasama sa inyo, at nagreklamo kayo sa kanya na sinasabi, ‘Sanaʼy hindi na lang kami umalis sa Ehipto.’ ”
21Ngunit sumagot si Moises sa Panginoon, “Ang lahat ng taong kasama ko ay nasa 600,000, at ngayoʼy sinasabi po ninyo na bibigyan ninyo sila ng karne na kanilang kakainin sa loob ng isang buwan?
22Kahit po katayin pa namin ang lahat ng tupa at baka o kahit hulihin pa namin ang mga isda sa dagat, hindi po ito magkakasya sa kanila.”
23Sinabi ng Panginoon kay Moises, “May hangganan ba ang aking kapangyarihan? Makikita mo ngayon kung mangyayari ang sinabi ko o hindi.”
24Kaya lumakad si Moises at sinabi sa mga tao ang sinabi ng Panginoon. Tinipon niya ang pitumpung tagapamahala at pinatayo sa palibot ng Tolda.