Mga Bilang 11

May isang binata na nagtatakbo papunta kay Moises at sinabi na nagsasalita sina Eldad at Medad doon sa kampo na kagaya ng mga propeta.

Numbers 11:27 (UKJV) And there ran a young man, and told Moses, and said, Eldad and Medad do prophesy in the camp.

25Pagkatapos, bumaba ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap at nakipag-usap kay Moises. Kumuha siya ng espiritung na kay Moises at ibinahagi sa pitumpung tagapamahala. At nang matanggap nila ito, nagsalita sila kagaya ng mga propeta ngunit hindi na ito nangyari pang muli.

26Ang dalawa sa pitumpung tagapamahala na sina Eldad at Medad ay nagpaiwan sa kampo at hindi pumunta sa Tolda. Ngunit natanggap din nila ang kapangyarihan at nagsalita rin sila na kagaya ng mga propeta.

27May isang binata na nagtatakbo papunta kay Moises at sinabi na nagsasalita sina Eldad at Medad doon sa kampo na kagaya ng mga propeta.

28Sinabi ni Josue na anak ni Nun, na naging katulong ni Moises mula noong bata pa ito, “Panginoon, patigilin po ninyo sila.”

29Ngunit sumagot si Moises, “Nababahala ka ba kung ano ang magiging resulta nito sa aking pagkapinuno? Kung sa akin lang, gusto kong bigyan ng Panginoon ng kapangyarihan ang lahat ng mamamayan at makapagsalita sila kagaya ng mga propeta.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.