26Ang dalawa sa pitumpung tagapamahala na sina Eldad at Medad ay nagpaiwan sa kampo at hindi pumunta sa Tolda. Ngunit natanggap din nila ang kapangyarihan at nagsalita rin sila na kagaya ng mga propeta.
27May isang binata na nagtatakbo papunta kay Moises at sinabi na nagsasalita sina Eldad at Medad doon sa kampo na kagaya ng mga propeta.
28Sinabi ni Josue na anak ni Nun, na naging katulong ni Moises mula noong bata pa ito, “Panginoon, patigilin po ninyo sila.”
29Ngunit sumagot si Moises, “Nababahala ka ba kung ano ang magiging resulta nito sa aking pagkapinuno? Kung sa akin lang, gusto kong bigyan ng Panginoon ng kapangyarihan ang lahat ng mamamayan at makapagsalita sila kagaya ng mga propeta.”
30Pagkatapos, bumalik sa kampo si Moises at ang mga tagapamahala ng Israel.