Mga Bilang 11

Ngunit dito wala tayong ganang kumain; wala tayong ibang makain kundi manna.”

Numbers 11:6 (UKJV) But now our soul is dried away: there is nothing at all, beside this manna, before our eyes.

4May mga grupo ng dayuhan na sumáma sa mga Israelita na naghahanap ng mga pagkaing gusto nilang kainin, at sumali pati ang mga Israelita na nagreklamo ulit na nagsasabi, “Kung may karne sana tayong kakainin!

5Noong nasa Ehipto tayo, naaalala ko na nakakakain tayo ng isda nang walang bayad. Hindi baʼt nakakakain rin tayo ng mga pipino, melon, sibuyas at bawang?

6Ngunit dito wala tayong ganang kumain; wala tayong ibang makain kundi manna.”

7Ang “manna” ay parang mga buto ng kulantrong maliliit at mapuputi.

8Pinupulot ito ng mga Israelita sa lupa tuwing umaga at ginigiling nila ito o binabayo sa lusong. Pagkatapos, niluluto nila ito sa banga at ginagawang manipis na tinapay. Ang lasa nito ay katulad ng tinapay na niluto sa langis ng olibo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.