2Dahil dito, humingi ng tulong ang mga Israelita kay Moises, at nanalangin si Moises sa Panginoon, at namatay ang apoy.
3Kaya ang lugar na iyon ay pinangalanang Tabera, dahil nagpadala ang Panginoon ng apoy sa kanila.
4May mga grupo ng dayuhan na sumáma sa mga Israelita na naghahanap ng mga pagkaing gusto nilang kainin, at sumali pati ang mga Israelita na nagreklamo ulit na nagsasabi, “Kung may karne sana tayong kakainin!
5Noong nasa Ehipto tayo, naaalala ko na nakakakain tayo ng isda nang walang bayad. Hindi baʼt nakakakain rin tayo ng mga pipino, melon, sibuyas at bawang?
6Ngunit dito wala tayong ganang kumain; wala tayong ibang makain kundi manna.”