Mga Bilang 11

Kaya ang lugar na iyon ay pinangalanang Tabera, dahil nagpadala ang Panginoon ng apoy sa kanila.

Numbers 11:3 (UKJV) And he called the name of the place Taberah: because the fire of the LORD burnt among them.

1Nagreklamo ang mga Israelita kay Moises dahil sa hirap na kanilang dinaranas. Nang marinig ito ng Panginoon, nagalit siya at nagpadala siya ng apoy na sumunog sa ilang dulong bahagi ng kampo.

2Dahil dito, humingi ng tulong ang mga Israelita kay Moises, at nanalangin si Moises sa Panginoon, at namatay ang apoy.

3Kaya ang lugar na iyon ay pinangalanang Tabera, dahil nagpadala ang Panginoon ng apoy sa kanila.

4May mga grupo ng dayuhan na sumáma sa mga Israelita na naghahanap ng mga pagkaing gusto nilang kainin, at sumali pati ang mga Israelita na nagreklamo ulit na nagsasabi, “Kung may karne sana tayong kakainin!

5Noong nasa Ehipto tayo, naaalala ko na nakakakain tayo ng isda nang walang bayad. Hindi baʼt nakakakain rin tayo ng mga pipino, melon, sibuyas at bawang?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.