Mga Bilang 12

Kaya nagmakaawa si Moises sa Panginoon, “O Diyos ko, nakikiusap po ako sa inyo na pagalingin ninyo si Miriam.”

Numbers 12:13 (UKJV) And Moses cried unto the LORD, saying, Heal her now, O God, I plead to you.

11sinabi ni Aaron kay Moises, “Pakiusap kapatid ko, huwag po ninyo kaming pahirapan dahil sa kasalanang nagawa namin nang may kahangalan.

12Huwag ninyong hayaang maging tulad si Miriam sa isang batang patay nang ipinanganak at bulok ang kalahating katawan.”

13Kaya nagmakaawa si Moises sa Panginoon, “O Diyos ko, nakikiusap po ako sa inyo na pagalingin ninyo si Miriam.”

14Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Hindi baʼt kapag dinuraan siya ng kanyang ama sa mukha ay pagdurusahan niya ang kahihiyang ito sa loob ng pitong araw? Kaya, palabasin siya sa kampo sa loob ng pitong araw, at pagkatapos ng pitong araw, maaari na siyang makabalik.”

15Kaya pinalabas si Miriam sa kampo sa loob ng pitong araw. Hindi nagpatuloy ang mga tao sa paglalakbay hanggang sa makabalik si Miriam sa kampo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.