Mga Bilang 12

Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Hindi baʼt kapag dinuraan siya ng kanyang ama sa mukha ay pagdurusahan niya ang kahihiyang ito sa loob ng pitong araw? Kaya, palabasin siya sa kampo sa loob ng pitong araw, at pagkatapos ng pitong araw, maaari na siyang makabalik.”

Numbers 12:14 (UKJV) And the LORD said unto Moses, If her father had but spit in her face, should she not be ashamed seven days? let her be shut out from the camp seven days, and after that let her be received in again.

12Huwag ninyong hayaang maging tulad si Miriam sa isang batang patay nang ipinanganak at bulok ang kalahating katawan.”

13Kaya nagmakaawa si Moises sa Panginoon, “O Diyos ko, nakikiusap po ako sa inyo na pagalingin ninyo si Miriam.”

14Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Hindi baʼt kapag dinuraan siya ng kanyang ama sa mukha ay pagdurusahan niya ang kahihiyang ito sa loob ng pitong araw? Kaya, palabasin siya sa kampo sa loob ng pitong araw, at pagkatapos ng pitong araw, maaari na siyang makabalik.”

15Kaya pinalabas si Miriam sa kampo sa loob ng pitong araw. Hindi nagpatuloy ang mga tao sa paglalakbay hanggang sa makabalik si Miriam sa kampo.

16Pagkatapos noon, umalis sila sa Hazerot, at nagkampo sa disyerto ng Paran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.