5Pagkatapos, bumaba ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi at tumayo sa pintuan ng Toldang Tipanan, at tinawag sina Aaron at Miriam. Paglapit ng dalawa,
6sinabi ng Panginoon sa kanila, “Pakinggan ninyo ito: Kapag may propeta sa inyo, ako, ang Panginoon, ay nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng pangitain at panaginip.
7Ngunit hindi ako ganoon makipag-usap sa aking lingkod na si Moises na mapagkakatiwalaang pinuno ng aking mga mamamayan.
8Kung nakikipag-usap ako sa kanya, magkaharap lang kami. Malinaw ang aming usapan at hindi paligoy-ligoy. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo natakot magsalita ng masama laban sa aking lingkod na si Moises?”
9Nagalit ang Panginoon sa kanila, at umalis siya.