Mga Bilang 12

sinabi ng Panginoon sa kanila, “Pakinggan ninyo ito: Kapag may propeta sa inyo, ako, ang Panginoon, ay nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng pangitain at panaginip.

Numbers 12:6 (UKJV) And he said, Hear now my words: If there be a prophet among you, I the LORD will make myself known unto him in a vision, and will speak unto him in a dream.

4Kaya nakipag-usap agad ang Panginoon kina Moises, Aaron at Miriam, “Lumabas kayong tatlo at pumunta sa Toldang Tipanan.” Kaya pumunta silang tatlo sa Tolda.

5Pagkatapos, bumaba ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi at tumayo sa pintuan ng Toldang Tipanan, at tinawag sina Aaron at Miriam. Paglapit ng dalawa,

6sinabi ng Panginoon sa kanila, “Pakinggan ninyo ito: Kapag may propeta sa inyo, ako, ang Panginoon, ay nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng pangitain at panaginip.

7Ngunit hindi ako ganoon makipag-usap sa aking lingkod na si Moises na mapagkakatiwalaang pinuno ng aking mga mamamayan.

8Kung nakikipag-usap ako sa kanya, magkaharap lang kami. Malinaw ang aming usapan at hindi paligoy-ligoy. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo natakot magsalita ng masama laban sa aking lingkod na si Moises?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.