2Sinabi nila, “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nakikipag-usap ang Panginoon? Nakikipag-usap din siya sa amin.” Subalit narinig ito ng Panginoon.
3(Mapagpakumbaba si Moises higit sa lahat ng mga tao sa mundo.)
4Kaya nakipag-usap agad ang Panginoon kina Moises, Aaron at Miriam, “Lumabas kayong tatlo at pumunta sa Toldang Tipanan.” Kaya pumunta silang tatlo sa Tolda.
5Pagkatapos, bumaba ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi at tumayo sa pintuan ng Toldang Tipanan, at tinawag sina Aaron at Miriam. Paglapit ng dalawa,
6sinabi ng Panginoon sa kanila, “Pakinggan ninyo ito: Kapag may propeta sa inyo, ako, ang Panginoon, ay nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng pangitain at panaginip.