1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Magpadala ka ng mga tao bilang espiya sa Canaan – ang lupain na ibibigay ko sa inyong mga Israelita. Ang mga tao na iyong ipapadala ay ang mga pinuno ng bawat lahi ng Israel.”
3Kaya sinunod ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon. Ipinadala niya sa Canaan ang mga pinuno ng mga Israelita mula roon sa Disyerto ng Paran.
4Ito ang mga lahi at mga pangalan nila: mula sa lahi ni Ruben, si Shamua na anak ni Zacur;
5mula sa lahi ni Simeon, si Shafat na anak ni Hori;