Mga Bilang 14

Ngunit makakapasok si Caleb na aking lingkod sa lupaing kanyang pinuntahan, dahil naiiba siya sa kanila at sumusunod siya sa akin nang buong puso. Sasakupin at mamanahin ng kanyang mga angkan ang lupaing iyon.

Numbers 14:24 (UKJV) But my servant Caleb, because he had another spirit with him, and has followed me fully, him will I bring into the land into where he went; and his seed shall possess it.

22walang sinuman sa mga taong nakakita sa kaluwalhatian ko at sa mga tanda na ginawa ko sa Ehipto at sa disyerto ngunit sinubukan pa rin ako nang sampung beses,

23wala ni isa sa kanila ang makakapasok sa lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno. Walang sinuman sa kanila na humamak sa akin ang makakakita rito.

24Ngunit makakapasok si Caleb na aking lingkod sa lupaing kanyang pinuntahan, dahil naiiba siya sa kanila at sumusunod siya sa akin nang buong puso. Sasakupin at mamanahin ng kanyang mga angkan ang lupaing iyon.

25Dahil may mga Cananeo at mga Amalekitang naninirahan sa mga lambak, bumalik kayo bukas at magtungo sa disyerto, sa daang papunta sa Dagat na Pula.”

26Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.