34Dahil ang mga espiya sa lupain ay tumira roon ng apatnapung araw, magdurusa rin kayo ng apatnapung taon dahil sa inyong kasalanan, para malaman ninyo kung paano ako magalit sa mga kumakalaban sa akin.
35Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito at siguradong gagawin ko ang mga bagay na ito sa masasamang mamamayang ito na nagkaisang kumalaban sa akin. Mamamatay silang lahat sa disyerto.”
36Ang mga lalaking inutusan ni Moises na magmanman sa lupain ng Canaan, na bumalik at naging dahilan ng pagrereklamo ng sambayanang Israel dahil sa pagkakalat nila ng masamang balita,
37ay namatay sa harap ng Panginoon dahil sa salot.
38Sa labindalawang espiya, si Josue na anak ni Nun at si Caleb na anak ni Jefune lang ang hindi namatay.