Mga Bilang 14

Dahil ang mga espiya sa lupain ay tumira roon ng apatnapung araw, magdurusa rin kayo ng apatnapung taon dahil sa inyong kasalanan, para malaman ninyo kung paano ako magalit sa mga kumakalaban sa akin.

Numbers 14:34 (UKJV) After the number of the days in which all of you searched the land, even forty days, each day for a year, shall all of you bear your iniquities, even forty years, and all of you shall know my breach of promise.

32Ngunit mamamatay kayo sa disyerto.

33Ang inyong mga anak ay magiging tulad ng mga tagapagbantay ng tupa na palibot-libot sa disyerto sa loob ng apatnapung taon. Sa pamamagitan nito, magdurusa sila dahil sa inyong pagtataksil sa akin hanggang sa mamatay kayong lahat.

34Dahil ang mga espiya sa lupain ay tumira roon ng apatnapung araw, magdurusa rin kayo ng apatnapung taon dahil sa inyong kasalanan, para malaman ninyo kung paano ako magalit sa mga kumakalaban sa akin.

35Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito at siguradong gagawin ko ang mga bagay na ito sa masasamang mamamayang ito na nagkaisang kumalaban sa akin. Mamamatay silang lahat sa disyerto.”

36Ang mga lalaking inutusan ni Moises na magmanman sa lupain ng Canaan, na bumalik at naging dahilan ng pagrereklamo ng sambayanang Israel dahil sa pagkakalat nila ng masamang balita,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.