15Kayong mga Israelita at ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo ay pareho lang sa harapan ko at parehong kautusan lang ang tutuparin ninyo. Dapat ninyong sundin ang mga tuntuning ito at ng inyong lahi hanggang sa susunod pang mga henerasyon.
16Pareho lang ang mga utos at mga tuntunin ang susundin ninyo at ng mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo.”
17Inutusan pa ng Panginoon si Moises
18na sabihin sa mga Israelita: “Kapag dumating na kayo sa lupain na ibibigay sa inyo,
19makakakain kayo ng bunga ng lupaing ito. Ngunit dapat ibukod ang iba nito para ihandog sa Panginoon.