Mga Bilang 16

Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,

Numbers 16:20 (UKJV) And the LORD spoke unto Moses and unto Aaron, saying,

18Kaya kumuha ang bawat isa ng kanya-kanyang lalagyan ng insenso at nilagyan ng baga at insenso, at tumayo sila kasama nina Moises at Aaron sa pintuan ng Toldang Tipanan.

19Nang magtipon na si Kora at ang mga tagasunod niya sa harapan ni Moises at ni Aaron, doon sa pintuan ng Toldang Tipanan, nagpakita ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa buong kapulungan.

20Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,

21“Lumayo kayo sa gitna ng kapulungang ito upang malipol ko na sila agad.”

22Ngunit nagpatirapa sina Moises at Aaron at sinabi, “O Diyos na pinanggagalingan ng buhay ng lahat ng tao, magagalit po ba kayo sa buong kapulungan kahit isang tao lang ang nagkasala?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.