19Nang magtipon na si Kora at ang mga tagasunod niya sa harapan ni Moises at ni Aaron, doon sa pintuan ng Toldang Tipanan, nagpakita ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa buong kapulungan.
20Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
21“Lumayo kayo sa gitna ng kapulungang ito upang malipol ko na sila agad.”
22Ngunit nagpatirapa sina Moises at Aaron at sinabi, “O Diyos na pinanggagalingan ng buhay ng lahat ng tao, magagalit po ba kayo sa buong kapulungan kahit isang tao lang ang nagkasala?”
23Sinabi ng Panginoon kay Moises,