26Pagkatapos, sinabi niya sa mga mamamayan, “Lumayo kayo sa mga tolda ng masasamang taong ito! Huwag kayong hahawak ng kahit anong ari-arian nila, dahil kapag ginawa ninyo ito parurusahan kayong kasama nila dahil sa lahat ng kasalanan nila.”
27Kaya lumayo ang mga tao sa mga tolda nina Kora, Datan at Abiram. Lumabas sina Datan at Abiram, at tumayo sa pintuan ng kanilang mga tolda kasama ng kanilang mga asawaʼt anak.
28Sinabi ni Moises sa mga tao, “Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na ang Panginoon ang nagsugo sa akin para gawin ang mga bagay na ito, at hindi ko ito sariling kagustuhan.
29Kung mamatay ang mga taong ito sa natural na pamamaraan, hindi ako isinugo ng Panginoon.
30Ngunit kung gagawa ang Panginoon ng kamangha-manghang bagay, at mabibiyak ang lupa, at lalamunin sila nang buháy, kasama ang lahat ng mga ari-arian nila papunta sa mundo ng mga patay, dito malalaman ninyong ang mga taong ito ang nagtakwil sa Panginoon.”