1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Sabihin mo sa mga Israelita na ang bawat pinuno ng bawat lahi ay magbibigay sa iyo ng isang tungkod at isulat doon ang kani-kanilang pangalan. Labindalawa lahat ang baston.
3Sa baston ng lahi ni Levi, isulat mo ang pangalan ni Aaron sapagkat kailangang may isang baston sa bawat pinuno ng lahi.
4Ilagay mo ang lahat ng ito sa Toldang Tipanan, sa harapan ng Kahon ng Kasunduan kung saan ako nakikipagkita sa inyo ni Aaron.
5At ang baston ng taong pipiliin kong maglilingkod sa akin bilang pari ay sisibulan at sa pamamagitan nito, titigil ang pagrereklamo ng mga Israelita laban sa inyo ni Aaron.”