Mga Bilang 17

Inilagay ni Moises ang lahat ng baston sa presensya ng Panginoon doon sa Toldang Tipanan.

Numbers 17:7 (UKJV) And Moses laid up the rods before the LORD in the tabernacle of witness.

5At ang baston ng taong pipiliin kong maglilingkod sa akin bilang pari ay sisibulan at sa pamamagitan nito, titigil ang pagrereklamo ng mga Israelita laban sa inyo ni Aaron.”

6Kaya sinabi ito ni Moises sa mga Israelita, at ang bawat pinuno ng lahi ay nagbigay sa kanya ng baston. Ang lahat ng baston ay labindalawa at isa rito ang kay Aaron.

7Inilagay ni Moises ang lahat ng baston sa presensya ng Panginoon doon sa Toldang Tipanan.

8Kinaumagahan, pumasok si Moises sa Tolda ng Kahon ng Kasunduan at nakita niya na ang baston ni Aaron, na kumakatawan sa lahi ni Levi ay hindi lang sumibol kundi nagkabuko pa, namulaklak, at namunga ng almendra.

9Pagkatapos, inilabas ni Moises ang lahat ng baston mula sa presensya ng Panginoon at ipinakita sa lahat ng mga Israelita. Tiningnan nila ito, at kinuha ng bawat pinuno ng lahi ang kani-kanilang baston.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.