Mga Bilang 18

Tubusin ninyo ito kung isang buwan na ang edad at kailangang tubusin ninyo ito sa halagang limang pirasong pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.

Numbers 18:16 (UKJV) And those that are to be redeemed from a month old shall you redeem, according to yours estimation, for the money of five shekels, after the shekel of the sanctuary, which is twenty gerahs.

14“Ang lahat ng bagay sa Israel na ibinigay sa akin nang buo ay magiging inyo.

15Ang lahat ng panganay na lalaki, tao man o hayop na inihahandog sa Panginoon ay magiging inyo rin. Ngunit kailangang tubusin ninyo ang mga panganay na anak na lalaki at ang mga panganay na mga hayop na itinuturing na marumi.

16Tubusin ninyo ito kung isang buwan na ang edad at kailangang tubusin ninyo ito sa halagang limang pirasong pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.

17“Ngunit huwag ninyong tutubusin ang panganay na toro, tupa o kambing dahil sa akin ito. Katayin ninyo ito at iwisik ninyo ang dugo sa altar at sunugin ang mga taba bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Ang mabangong samyo ng handog na ito ay makalulugod sa Panginoon.

18Sa inyo ang karne nito, gaya ng dibdib at ng kanang paa ng handog na itinataas ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.