Mga Bilang 18

“Ang lahat ng bagay sa Israel na ibinigay sa akin nang buo ay magiging inyo.

Numbers 18:14 (UKJV) Every thing devoted in Israel shall be yours.

12“Ibinibigay ko rin sa inyo ang mabubuting produkto na inihahandog ng mga Israelita mula sa una nilang ani: langis ng olibo, bagong alak at trigo.

13Magiging inyo ang lahat ng mga produkto na kanilang inihahandog mula sa unang ani ng kanilang lupa. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis.

14“Ang lahat ng bagay sa Israel na ibinigay sa akin nang buo ay magiging inyo.

15Ang lahat ng panganay na lalaki, tao man o hayop na inihahandog sa Panginoon ay magiging inyo rin. Ngunit kailangang tubusin ninyo ang mga panganay na anak na lalaki at ang mga panganay na mga hayop na itinuturing na marumi.

16Tubusin ninyo ito kung isang buwan na ang edad at kailangang tubusin ninyo ito sa halagang limang pirasong pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.