Mga Bilang 18

“Ibinibigay ko rin sa inyo ang mabubuting produkto na inihahandog ng mga Israelita mula sa una nilang ani: langis ng olibo, bagong alak at trigo.

Numbers 18:12 (UKJV) All the best of the oil, and all the best of the wine, and of the wheat, the first-fruits of them which they shall offer unto the LORD, them have I given you.

10Kainin ninyo ito bilang isang napakabanal na handog. Kailangang mga lalaki lang ang kakain nito at ituring ninyo itong banal.

11“Ang iba pang mga handog ng mga Israelita na itinataas sa altar ay para rin sa inyo. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga angkan, bilang inyong bahagi magpakailanman. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis.

12“Ibinibigay ko rin sa inyo ang mabubuting produkto na inihahandog ng mga Israelita mula sa una nilang ani: langis ng olibo, bagong alak at trigo.

13Magiging inyo ang lahat ng mga produkto na kanilang inihahandog mula sa unang ani ng kanilang lupa. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis.

14“Ang lahat ng bagay sa Israel na ibinigay sa akin nang buo ay magiging inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.