Mga Bilang 18

“Ang iba pang mga handog ng mga Israelita na itinataas sa altar ay para rin sa inyo. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga angkan, bilang inyong bahagi magpakailanman. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis.

Numbers 18:11 (UKJV) And this is yours; the heave offering of their gift, with all the wave offerings of the children of Israel: I have given them unto you, and to your sons and to your daughters with you, by a statute for ever: every one that is clean in your house shall eat of it.

9May bahagi kayo sa napakabanal na mga handog na ito na hindi sinusunog, na inihandog ng mga tao sa akin bilang napakabanal na mga handog. Kasama ng mga handog na ito ang handog na pagkaing butil para sa akin, handog para sa kasalanan, at handog na pambayad ng kasalanan. Ito ang mga bahagi mo at ng iyong mga anak.

10Kainin ninyo ito bilang isang napakabanal na handog. Kailangang mga lalaki lang ang kakain nito at ituring ninyo itong banal.

11“Ang iba pang mga handog ng mga Israelita na itinataas sa altar ay para rin sa inyo. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga angkan, bilang inyong bahagi magpakailanman. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis.

12“Ibinibigay ko rin sa inyo ang mabubuting produkto na inihahandog ng mga Israelita mula sa una nilang ani: langis ng olibo, bagong alak at trigo.

13Magiging inyo ang lahat ng mga produkto na kanilang inihahandog mula sa unang ani ng kanilang lupa. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.