Mga Bilang 18

Sa pamamagitan nito, makapagbibigay din kayo ng handog sa Panginoon galing sa lahat ng ikapu na inyong natanggap mula sa aking mga Israelita. At sa aking bahagi na iyon, ang ikapu nito ay ibigay ninyo sa paring si Aaron.

Numbers 18:28 (UKJV) Thus all of you also shall offer an heave offering unto the LORD of all your tithes, which all of you receive of the children of Israel; and all of you shall give thereof the LORD's heave offering to Aaron the priest.

26na sabihin niya ito sa mga Levita: “Kung matanggap na ninyo mula sa mga Israelita ang ikapu na ibibigay ko sa inyo bilang inyong bahagi, kailangang magbigay din kayo ng inyong ikapu galing sa ikapu nila, bilang handog sa Panginoon.

27Ituturing ko ito bilang inyong handog mula sa mga ani, na parang naghandog kayo ng trigo mula sa giikan o alak mula sa pisaan ng ubas.

28Sa pamamagitan nito, makapagbibigay din kayo ng handog sa Panginoon galing sa lahat ng ikapu na inyong natanggap mula sa aking mga Israelita. At sa aking bahagi na iyon, ang ikapu nito ay ibigay ninyo sa paring si Aaron.

29Kinakailangang ialay sa Panginoon ang pinakamaganda at pinakabanal na bahagi ng lahat ng ibinibigay sa inyo.

30“Sabihin ninyo ito sa mga Levita: ‘Kapag naihandog na ninyo ang pinakamagandang bahagi, ituturing ko itong handog ninyo mula sa giikan o pisaan ng ubas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.