Mga Bilang 19

Kailangang labhan ng taong kumuha ng abo ng baka ang kanyang damit, at ituturing din siyang marumi buong maghapon. Ang tuntuning itoʼy dapat tuparin ng mga Israelita at ng mga dayuhang naninirahan kasama ninyo magpakailanman.

Numbers 19:10 (UKJV) And he that gathers the ashes of the heifer shall wash his clothes, and be unclean until the even: and it shall be unto the children of Israel, and unto the stranger that sojourns among them, for a statute for ever.

8Ang taong nagsunog ng baka ay kailangang maglaba rin ng kanyang damit at maligo, at ituturing din siyang marumi buong maghapon.

9“Ang taong itinuturing na malinis ang siyang kukuha ng abo ng baka, at ilalagay niya ito sa isang lugar na itinuturing na malinis sa labas ng kampo. Itatago ito ngunit gagamitin ng mamamayan ng Israel na panghalo sa tubig na gagamitin sa paglilinis. Ginagawa ang seremonyang ito para mawala ang kasalanan.

10Kailangang labhan ng taong kumuha ng abo ng baka ang kanyang damit, at ituturing din siyang marumi buong maghapon. Ang tuntuning itoʼy dapat tuparin ng mga Israelita at ng mga dayuhang naninirahan kasama ninyo magpakailanman.

11“Ang sinumang hahawak sa bangkay ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw.

12Kailangang linisin niya ang kanyang sarili ng tubig na panglinis sa ikatlo at ikapitong araw. Pagkatapos, ituturing na siyang malinis. Ngunit kung hindi siya maglilinis sa ikatlo at ikapitong araw, hindi siya ituturing na malinis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.