Mga Bilang 19

Ang sinumang makakahawak ng bangkay at hindi naglinis ng kanyang sarili ay para na rin niyang dinungisan ang Tolda ng Panginoon. Kailangang itiwalag ninyo siya mula sa sambayanan ng Israel. Dahil hindi siya nawisikan ng tubig na ginagamit sa paglilinis, marumi pa rin siya.

Numbers 19:13 (UKJV) Whosoever touches the dead body of any man that is dead, and purifies not himself, defiles the tabernacle of the LORD; and that soul shall be cut off from Israel: because the water of separation was not sprinkled upon him, he shall be unclean; his uncleanness is yet upon him.

11“Ang sinumang hahawak sa bangkay ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw.

12Kailangang linisin niya ang kanyang sarili ng tubig na panglinis sa ikatlo at ikapitong araw. Pagkatapos, ituturing na siyang malinis. Ngunit kung hindi siya maglilinis sa ikatlo at ikapitong araw, hindi siya ituturing na malinis.

13Ang sinumang makakahawak ng bangkay at hindi naglinis ng kanyang sarili ay para na rin niyang dinungisan ang Tolda ng Panginoon. Kailangang itiwalag ninyo siya mula sa sambayanan ng Israel. Dahil hindi siya nawisikan ng tubig na ginagamit sa paglilinis, marumi pa rin siya.

14“Ito ang tuntunin kung may taong mamamatay sa loob ng tolda: Ang sinumang pumasok sa tolda o kayaʼy naroon na sa loob nang mamatay ang tao ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw.

15At ituturing ding marumi ang anumang mga lalagyan sa tolda na walang takip.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.