12Kailangang linisin niya ang kanyang sarili ng tubig na panglinis sa ikatlo at ikapitong araw. Pagkatapos, ituturing na siyang malinis. Ngunit kung hindi siya maglilinis sa ikatlo at ikapitong araw, hindi siya ituturing na malinis.
13Ang sinumang makakahawak ng bangkay at hindi naglinis ng kanyang sarili ay para na rin niyang dinungisan ang Tolda ng Panginoon. Kailangang itiwalag ninyo siya mula sa sambayanan ng Israel. Dahil hindi siya nawisikan ng tubig na ginagamit sa paglilinis, marumi pa rin siya.
14“Ito ang tuntunin kung may taong mamamatay sa loob ng tolda: Ang sinumang pumasok sa tolda o kayaʼy naroon na sa loob nang mamatay ang tao ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw.
15At ituturing ding marumi ang anumang mga lalagyan sa tolda na walang takip.
16“Ituturing ding marumi sa loob ng pitong araw ang sinumang nasa labas ng kampo na nakahawak ng bangkay, pinatay man ito o namatay sa natural na paraan. Ganoon din sa nakahawak sa buto ng tao o nakahawak ng libingan.