Mga Bilang 19

“Ituturing ding marumi sa loob ng pitong araw ang sinumang nasa labas ng kampo na nakahawak ng bangkay, pinatay man ito o namatay sa natural na paraan. Ganoon din sa nakahawak sa buto ng tao o nakahawak ng libingan.

Numbers 19:16 (UKJV) And whosoever touches one that is slain with a sword in the open fields, or a dead body, or a bone of a man, or a grave, shall be unclean seven days.

14“Ito ang tuntunin kung may taong mamamatay sa loob ng tolda: Ang sinumang pumasok sa tolda o kayaʼy naroon na sa loob nang mamatay ang tao ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw.

15At ituturing ding marumi ang anumang mga lalagyan sa tolda na walang takip.

16“Ituturing ding marumi sa loob ng pitong araw ang sinumang nasa labas ng kampo na nakahawak ng bangkay, pinatay man ito o namatay sa natural na paraan. Ganoon din sa nakahawak sa buto ng tao o nakahawak ng libingan.

17“Para mawala ang pagiging marumi, ilagay sa lalagyan ang ibang mga abo ng baka na inihahandog para sa kasalanan at pagkatapos, dadagdagan ito ng tubig.

18Pagkatapos, kukuha ang taong itinuturing na malinis ng isang sanga ng halamang isopo, at isasawsaw niya ito sa nasabing tubig, at iwiwisik sa tolda na may namatay at sa lahat ng kagamitan dito, at sa mga tao na nasa tolda. Wiwisikan din ang taong nakahipo ng buto ng tao o ng libingan, o ang sinumang pinatay o namatay sa natural na kamatayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.