Mga Bilang 19

Ibigay ninyo ito sa paring si Eleazar at dalhin ninyo sa labas ng kampo at katayin sa kanyang harapan.

Numbers 19:3 (UKJV) And all of you shall give her unto Eleazar the priest, that he may bring her forth without the camp, and one shall slay her before his face:

1Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,

2“Ito pa ang isang tuntunin na gusto kong tuparin ninyo: Sabihan ninyo ang mga Israelita na dalhan kayo ng isang pulang dumalagang baka na walang kapintasan at hindi pa nagagamit sa pag-aararo.

3Ibigay ninyo ito sa paring si Eleazar at dalhin ninyo sa labas ng kampo at katayin sa kanyang harapan.

4Pagkatapos, kukuha si Eleazar ng dugo nito sa pamamagitan ng kanyang daliri, at iwiwisik ito ng pitong beses sa harapan ng Toldang Tipanan.

5At habang nakatingin si Eleazar, susunugin ang buong baka – ang balat, ang laman, dugo at mga bituka nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.