Mga Bilang 19

Pagkatapos, kukuha si Eleazar ng isang putol ng punong sedro, isang sanga ng halamang isopo at pulang panali na ihahagis lahat sa sinusunog na baka.

Numbers 19:6 (UKJV) And the priest shall take cedar wood, and hyssop, and scarlet, and cast it into the midst of the burning of the heifer.

4Pagkatapos, kukuha si Eleazar ng dugo nito sa pamamagitan ng kanyang daliri, at iwiwisik ito ng pitong beses sa harapan ng Toldang Tipanan.

5At habang nakatingin si Eleazar, susunugin ang buong baka – ang balat, ang laman, dugo at mga bituka nito.

6Pagkatapos, kukuha si Eleazar ng isang putol ng punong sedro, isang sanga ng halamang isopo at pulang panali na ihahagis lahat sa sinusunog na baka.

7Pagkatapos, kailangang labhan ni Eleazar ang kanyang damit at maligo siya. At pagkatapos, makakapasok na siya sa kampo, ngunit ituturing siyang marumi buong maghapon.

8Ang taong nagsunog ng baka ay kailangang maglaba rin ng kanyang damit at maligo, at ituturing din siyang marumi buong maghapon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.