21Nasa 32,200 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
22Kasunod niya ang tribo ni Benjamin. Ang pinuno ng lipi ni Benjamin ay si Abidan na anak ni Gideoni.
23Nasa 35,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
24Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Efraim ayon sa kani-kanilang pangkat ay 108,100. Sila ang ikatlong pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
25Sa gawing hilaga, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Dan ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Dan ay si Ahiezer na anak ni Amishadai.