20Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Manases. Ang pinuno ng lipi ni Manase ay si Gamaliel na anak ni Pedazur.
21Nasa 32,200 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
22Kasunod niya ang tribo ni Benjamin. Ang pinuno ng lipi ni Benjamin ay si Abidan na anak ni Gideoni.
23Nasa 35,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
24Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Efraim ayon sa kani-kanilang pangkat ay 108,100. Sila ang ikatlong pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.