18Sa gawing kanluran, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Efraim ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Efraim ay si Elisama na anak ni Amihud.
19Nasa 40,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
20Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Manases. Ang pinuno ng lipi ni Manase ay si Gamaliel na anak ni Pedazur.
21Nasa 32,200 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
22Kasunod niya ang tribo ni Benjamin. Ang pinuno ng lipi ni Benjamin ay si Abidan na anak ni Gideoni.