12Ngunit sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Dahil sa hindi kayo naniwala sa akin na ipapakita ko sa inyo ang aking kabanalan sa harap ng mga Israelita, hindi kayo ang mamumuno sa pagdadala ng mga mamamayang ito sa lupaing ibibigay ko sa kanila.”
13Ang lugar na ito ay tinatawag na Meriba dahil nakipagtalo ang mga Israelita sa Panginoon sa lugar na ito, at dito rin ipinakita ng Panginoon ang kanyang kabanalan.
14Habang naroon pa ang mga Israelita sa Kades, nagsugo si Moises ng mga mensahero sa hari ng Edom at ipinasabi, “Ito ang mensahe mula sa iyong kamag-anak, ang mamamayan ng Israel: Nalalaman mo ang lahat ng kahirapan na aming napagdaanan.
15Pumunta ang aming mga ninuno sa Ehipto, at matagal silang nanirahan doon. Inapi kami at ang aming mga ninuno ng mga Ehipsiyo,
16ngunit humingi kami ng tulong sa Panginoon. Pinakinggan niya kami at pinadalhan ng anghel na naglabas sa amin sa Ehipto. “Ngayon, naririto kami sa Kades, ang bayan sa tabi ng iyong teritoryo.