Mga Bilang 21

Pagkatapos, sumumpa ang mga Israelita sa Panginoon, “Kung ibibigay nʼyo po ang mga taong ito sa aming mga kamay, wawasakin namin nang lubusan ang kanilang mga bayan bilang handog sa inyo.”

Numbers 21:2 (UKJV) And Israel vowed a vow unto the LORD, and said, If you will indeed deliver this people into my hand, then I will utterly destroy their cities.

1Nang mabalitaan ng Cananeong hari ng Arad na naninirahan sa Negeb, na paparating ang mga Israelitang dumadaan sa Atarim, sinalakay niya sila at binihag ang iba sa kanila.

2Pagkatapos, sumumpa ang mga Israelita sa Panginoon, “Kung ibibigay nʼyo po ang mga taong ito sa aming mga kamay, wawasakin namin nang lubusan ang kanilang mga bayan bilang handog sa inyo.”

3Pinakinggan ng Panginoon ang pakiusap ng mga Israelita at ibinigay niya sa kanila ang mga Cananeo. Lubusan silang nilipol ng mga Israelita pati ang kanilang mga bayan bilang handog sa Panginoon, kaya tinawag itong lugar ng Horma.

4Mula sa Bundok ng Hor, naglakbay ang mga Israelita at binaybay ang daan papunta sa Dagat na Pula para makaikot sila sa lupain ng Edom. Ngunit nainip ang mga tao sa kanilang paglalakbay,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.