Mga Bilang 21

Ngunit hindi pumayag si Sihon na dumaan ang mga Israelita sa kanyang teritoryo. Sa halip, tinipon niya ang kanyang mga sundalo at nagpunta sila sa disyerto para salakayin ang mga Israelita. Pagdating nila sa Jahaz, nakipaglaban sila sa mga Israelita.

Numbers 21:23 (UKJV) And Sihon would not suffer Israel to pass through his border: but Sihon gathered all his people together, and went out against Israel into the wilderness: and he came to Jahaz, and fought against Israel.

21Ngayon, nagsugo ng mga mensahero ang Israel kay Sihon na hari ng mga Amoreo. Ganito ang kanilang mensahe:

22“Kung maaari ay payagan ninyo kaming dumaan sa inyong lupain. Hindi kami dadaan sa inyong mga bukid o ubasan, o iinom sa inyong mga balon. Dadaan lang kami sa Lansangan ng Hari, hanggang sa makalabas kami sa inyong teritoryo.”

23Ngunit hindi pumayag si Sihon na dumaan ang mga Israelita sa kanyang teritoryo. Sa halip, tinipon niya ang kanyang mga sundalo at nagpunta sila sa disyerto para salakayin ang mga Israelita. Pagdating nila sa Jahaz, nakipaglaban sila sa mga Israelita.

24Subalit pinagpapatay sila ng mga Israelita, at inagaw ang kanilang lupain mula sa Arnon papunta sa Ilog Jaboc. Ngunit hanggang sa hangganan lang sila ng lupain ng mga Amonita dahil ang kanilang hangganan ay napapaderan.

25Kaya naagaw ng mga Israelita ang lahat ng lungsod ng mga Amoreo at tinirhan nila ito, pati ang Hesbon at ang lahat ng mga bayang nasa paligid nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.